GERONA, Tarlac – Malubhang nasugatan ang pitong katao makaraang magkarambola ang isang tricycle at dalawang motorsiklo sa Barangay Apsayan, Gerona, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Sa report ni PO2 Kristoffer Zulleta, kinilala ang sugatang sina Rudy Salgado, 39, driver ng tricycle (CZ-5435), ng Bgy. Don Basilio; Mark Facunla, 30, driver ng Honda motorcycle (VZ-5198); at Jonarson Constantino, driver ng Yamaha Mio, kapwa taga-Bgy. Dicolor, Gerona, Tarlac.

Nasugatan din sina Michael Gragasin, 18; Emmanuel Grande, 15, parehong taga-Bgy. Dicolor, Gerona; Aries Gragasin, 19; at Antonio Bagaoisan, nasa hustong gulang, ng nasabing barangay. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog