Mark copy copy

NATIYEMPUHAN naming may eksena si Mark Oblea sa seryeng My Dear Heart kamakailan, nakikipagkuwentuhan siya kina Hyubs Azarcon at iba pang kaibigan sa isang tindahan at nagyayabang siya na mukhang may gusto rin sa kanya ang nililigawang si Loisa Andalio na tiyempo namang narinig nito at hayun, tinalakan ang binata.

In fairness, marunong din namang umarte si Mark at kung mahahasa ay tiyak na mag-i-improve pa ang dating Pinoy Boyband Superstar finalist.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Mahirap at tambay ang nakikita naming karakter ni Mark bilang si Vince sa My Dear Heart pero naiistorbo kami sa sobrang puti at kinis ng mukha niya. Naalala tuloy namin ang sinabi niyang gumagamit siya ng Mestiza soap para sa face niya. Anyway, parang may hawig din siya kay Jerald Napoles.

Samantala, hindi solo ni Mark o Vince ang atensiyon ni Agatha dahil interesado rin si Jameson Blake bilang si Dominic Divinagracia na anak naman ni Coney Reyes as Dra. Margaret Divinagracia.

Bukod sa My Dear Heart, isa naman sa lead actor si Mark sa Wansapanataym: May Hair Lady kasama sina Jameson Blake at Loisa Andalio under Dreamscape Entertainment pa rin. (REGGEE BONOAN)