Erich at Daniel copy

NAGSALITA na sa wakas si Erich Gonzales tungkol sa hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga. Sweet pa ang dalawa hanggang sa pagtatapos ng kanilang seryeng Be My Lady, kaya nabulabog nitong nakaraang linggo ang DanRich supporters nang lumabas ang isyung naghiwalay na sila.

Sa panayam kay Erich pagkatapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN, kinumpirma ng aktres na hiwalay na nga sila.

“It’s true po na we are not together anymore. It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang magdetalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po,” pahayag ni Erich.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hindi niya sinagot ang tanong tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila. Walang third party at hindi rin pera ang ugat, sabi ng dalaga.

“I think I just have to accept na may mga bagay po talagang we cannot control. Life goes on. (‘Yung) Tungkol sa pera, ayaw ko na po magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on,” pakiusap ni Erich

Mabuti na lamang daw at nandidiyan ang kanyang pamilya at mga kaibigan na hindi siya iniiwanan habang may pinagdaraanan siya.

“Of course, nandiyan po ‘yung pamilya natin, mga kaibigan natin, ‘yung mga supporters po natin. Thankful po ako dahil ‘yung loyalty nila laging nandiyan. Siyempre po ‘yung Diyos, siya naman po ang nakakaalam ng lahat.”

Sinabi pa ng dalaga na sadya niyang iniwasan na magpahayag ng damdamin sa kaninuman o sa social media dahil baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon.

“For a time po. I don’t really read any comments na. People will believe what they want to believe. Like what I said, kami lang naman po talaga ang nakakaalam ng totoo.”

Inamin ni Erich binura niya ang lahat ng mga larawan nila ni Daniel sa kanyang mga social media account, na isang aniya paraan para makapag-move on siya.

“I deleted the photos. I unfollowed them (pamilya ni Daniel). I just want to help myself,” emosyonal na paliwanag ni Erich.

Sa wari’y labis na nasaktan ang dalaga dahil hindi pa raw siya nakahandang tanggapin o ituring bilang kaibigan man lang si Daniel.

“Sa nararamdaman ko po ngayon, hindi po. I don’t want to say anything more. I just want to move on, I hope you understand,” pagtatapos ng aktres. (ADOR SALUTA)