Maja Salvador copy copy

REVENGE story ang seryeng Wildflower na pagbibidahan ni Maja Salvador na umaming matagal na niyang gustong magkaroon ng ganitong project.

“Sobrang na-excite po ako, kasi nakaka-challenge na bigyan ka ng ganitong role, ang maging wild. So ako, bilang si Maja, siyempre medyo hindi naman ganu’n ‘yung personality ko, eh,“ bungad ng aktres sa grand presscon ng Wildflower sa Restaurant 9501 ng ABS-CBN nitong Miyerkules.

Hindi ba siya wild sa likod ng kamera?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Opo, nakokontrol ko naman pa. So, ngayon, dito sa teleserye, magpapaka-wild ako nang todo,” napangiting sagot niya.

Manggugulat daw siya sa Wildflower, kaya dapat itong abangan ng lahat.

Maging ang aura niya sa presscon ay medyo wild nga, dahil maraming biyak ang damit niya.

“Hindi naman porke sinabing wild, puro kaseksihan lang. ‘Yung pagiging wild ng emosyon mo, wild sa pag-ibig, pagiging wild mo sa isang taong sobrang nanakit sa‘yo,” salag ng aktres.

Gaganap si Maja ang wild na si Ivy dahil maghihinganti siya sa umapi sa pamilya niya.

Tatlo ang leading man niya sa serye, sina Joseph Marco, Vin Abrenica at RK Bagatsing na pawang may abs kaya tinukso ang dalaga kung kanino siya bibigay. Depende raw kung paano mapapa-in love ng tatlo si Ivy.

May plano ba siyang magpaka-wild sa Valentine’s Day?

“Naku, sa buong araw po ng February 14 ay nasa Araneta (Coliseum) po ako, rehearsal sa umaga at hapon dahil sa gabi ay guest ako sa concert ni Vice (Ganda).

“After ng concert ay matutulog po ako dahil 6 AM ang call time ko sa taping sa Tanay (Rizal) para sa taping ng Wildflower. Pero mag-i-expect po ako ng flowers mula sa tatlong boys (RK, Vin at Joseph).”

Maraming napahanga si Maja nang mapanood ang trailer ng Wildflower. Pero talaga namang mahusay siyang artista.

“Siyempre po ang sarap sa pakiramdam na nakikita nila ‘yung best mo, ‘yung pinagtatrabahuhan mo. Naa-appreciate nila kung ano ‘yung binibigay mo sa trabaho mo. Thank you sa lahat ng nagsasabi nu’n,” napangiting sabi ng dalaga.

(Reggee Bonoan)