NAKATAYA ang pag-asa para sa hinahangad na titulo sa paghaharap ng Blackwater at Rain or Shine sa knockout game para sa ikawalong quarterfinal berth ng 2017 OPPO-Philippine Cup ngayon sa Araneta Colieum.

Nagtabla ang magkaribal sa markang 5-6, kasunod ng apat na koponang magkakasalo hawak ang kartadang 6-5 at dalawang koponang may markang 7-4 sa likod ng league leader at defending champion San Miguel Beer (10-1).

Naitakda ang knockout game ng dalawang koponan para sa huling quarterfinal slot matapos bumagsak ang Elasto Painters sa huling laro sa eliminations sa kamay ng Alaska noong Miyerkules sa iskor na 89-94.

Nakatakda ang laro ganap na 7:00 ng gabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Para kay Elite coach Leo Isaac, umaasa siyang muling maibabalik ng Blackwater ang kumpiyansa sa kanilang laro upang mabuhay ang kanilang pag-asang umusad sa susunod na round.

“I just hope that we can put up a good showing just like we did in our first seven games,” sambit ni Isaac.

(Marivic Awitan)