Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng tanghali.

Sanhi ng mga tama ng cal .45 sa likurang bahagi ng ulo, kasalukuyang nakaratay si Emerito Bilacaol, negosyante, ng Tanigue Street, Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Barangay 14 ng nasabing lungsod.

Sa report kay Police Supt. Ferdie Del Rosario, deputy chief of police for administration ng Caloocan Police Station, bandang 11:30 ng tanghali nangyari ang pamamaril sa harap ng bahay ng biktima.

Nakatayo si Bilacaol sa harap ng kanilang gate nang sumulpot ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bumaba umano ang isa sa mga suspek at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas.

“Nakasuot daw ng helmet ang mga suspek kaya hindi nakilala ng mga witness kahit tanghaling tapat,” ayon kay Del Rosario. (Orly L. Barcala)