TARLAC CITY – Limang katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Zamora Street, Barangay San Roque, Tarlac City, nitong Lunes ng gabi.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital sina Joefer Castro, 20, driver ng Honda motorcycle (SM-8184), ng Bgy. San Isidro, Tarlac City; Aldwin Nicdao, 32, driver ng tricycle (TR-1154); at mga pasaherong sina Evelyn Valdez, 28; Mike Allen Valdez, 9; at Abril Valdez, 7, pawang taga-Ilang-Ilang Street, Bgy. San Vicente, Tarlac City.

(Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?