CAPAS, Tarlac - Isang miyembro ng Class 67-17 na kasalukuyang sumasailalim sa Officer’s Preparatory Course sa Training and Doctrine Command (Tradoc) sa Camp O’Donnell, Barangay Sta. Lucia sa Capas, ang natagpuang patay sa Sitio Palublub, Barangay Laway, nitong Lunes ng hapon.

Ang natagpuang bangkay ay kinilala ni PO3 Arthur Alzadon na si PFC Moid Sarip Hadjinor, ng Philippine Army, at taga-Bgy. Dapaon, Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Maghapong nagsanay ang Class 67-17 ngunit hindi na nakabalik sa kampo si Hadjinor hanggang matagpuan itong wala nang buhay sa matarik na dalisdis, at pinaniniwalaang nadulas o nahulog doon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog