Mga laro sa Martes

(Filoil Flying V Centre)

9 n.u. -- UST vs FEU

11 n.u. – NU vs UE

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

1 n.h. -- AdU vs DLSZ

3 n.h. -- UPIS vs Ateneo

NAISALBA ng Adamson University ang matikas na pakikihamok ng Ateneo mula sa 26 na puntos na paghahabol sa naitarak na 79-73 panalo nitong Sabado at makausad sa Final Four he UAAP Season 79 juniors basketball tournament sa Filoil Flying V Centre.

Nalimitahan ang Baby Falcons sa 11 puntos sa payoff period, ngunit ang nabuong double digit na bentahe sa first half ay sapat na para mailusot ang panalo laban sa Blue Eaglets.

Tangan ang 9-1 karta, solo sa liderato ang Adamson matapos mabigo ang Far Eastern University-Diliman sa defending champion National University, 61-46.

Magkasosyo ang Baby Tamaraws at Bullpups sa parehong 2-8 karta, at kapwa matatag sa kampanya para sa twice-to-beat na bentahe sa semifinal.

Nakasiguro ang FEU-Diliman at NU ng puwesto sa Final Four matapos gapiin ng University of Santo Tomas ang UP Integrated School, 91-83.

Nanguna si Encho Serrano sa Baby Falcons sa naiskor na 15 puntos, apat na rebound at dalawang assist, habang kumana sina Rence Padrigao at Jason Celis ng tig-13 puntos.

Bumida si Xyrus Torres sa Baby Tamaraws sa naiskor na 20 puntos, habang kumubra si Kenji Roman ng 20 puntos at walong rebound.