UMABOT sa 400 lokal at foreign breeder, kabilang ang United States, Australia at Spain, ang sasagupa sa 2017 World Slasher Cup simula sa Lunes (Enero 23) sa Smart-Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inorganisa ng Pintakasi of Champions, ang 10-day event ay lalahukan din ng mga cockers at aficionado mula sa Kuwait, Malaysia, Indonesia, at Taiwan, isang paninuguro sa tagumpay ng Slasher Cup sa taon ng ‘Golden Rooster’.

Nauna nang nakibahagi ang mga kalahok sa tatlong araw na World Gamefowl Expo sa World Trade Center sa Pasay City.

Pangungunahan ang foreign contingent nina World Slasher campaigner Darrel Mack ng Texas, at Hall of Famer Mike Formosa ng Hawaii at Ray Alexander ng US.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Tinaguriang ‘Olympic of Cockfighting’, ang World Slasher Cup ay 9-cock invitational derby na tatampukan ng 2-cock elimination sa Enero 23-25. Ang mga mananalo ay uusad sa 3-cock semifinals sa Enero 26-29. Ang mga may iskor na 3.5 o 4 na puntos ay sasabak sa 4-cock pre-finals sa Enero 29-31 at ang mga magwawagi na may 4.5 o 5 puntos ang siyang maglalaban sa grand finals sa Pebrero 1.

“No matter what….I enjoy cockfighting,” pahayag ni defending champion Magno Lim.

“I’ve seen the seemingly impossible happen before my eyes. For instance, just when I begin thinking I’m about to lose my fight, something quickly changes and the referee calls it in my favour.”

Itinataguyod din ang 2017 World Slasher Cup I ng Petron, Thunderbird, at B-Meg, sa pakikipagtulungan ng Excellence Poulty and Livestock Specialists, at Pit Games Media Inc.