Determinado at aktibo ang Department of Energy (DoE) sa pagpapabuti sa kalidad ng serbisyo nito sa publiko, partikular ang mabilisang pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga nasalanta ng mga nakalipas na bagyo.
Inihayag ni DoE Secretary Alfonso Cusi na patuloy ang pagpoproseso ng Standard Operating Procedures (SOPs) at pinagtitibay din ang “emergency responses” sa mga imprastruktura ng kuryente upang mabawasan ang mga sira nito tuwing may kalamidad.
Sinabi ni Cusi na dapat lang na pangunahan ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagpapabuti ng kalidad ng kanilang serbisyo at maging alerto tuwing may mga bagyong mananalasa upang mabawasan ang pinsalang maidudulot ng mga ito.
(Bella Gamotea)