SISIMULAN ang 4-cock finals ng 2017 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby simula ngayon sa pagsabak ng unang set ng mga kalahok na nakaiskor ng 2, 2.5, 3 at 3.5 sa semifinals.

May kabuuang 120 sultada ang nakalinya simula ganap na 12:00 ng tanghali.

Itinataguyod nina Charlie “Atong” Ang , Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon & RJ Mea, sa pakikipagtulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong, ang makasaysayang panabong ay suportado rin ng Thunderbird Platinum, Resorts World Manila at Warhawk..

Matapos ang huling ratsada ng semifinal nitong Martes, nangunguna ang mga entry na (5-0) Masbate (Gov. Tony Kho), Oliver (Nsetor Vendivil) at Super Gee (Eddie Gonzales).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hawak naman ang apat na panalo at isang draw ng Feb. 20-22 SJC 6-Cock (Eric dela Rosa) at San Roque BB1 (Joey & Buboy delos delos Santos).

Nakabuntot naman ang may apat na puntos na Inkheria/RTG/Striker (Mayor Menlo Nicart/Onie Tan/Sonny Aguilar); Jade Red (Arman Santos) ; King JD (Efren Dones); LNF Farm HOI April 11 Gallera de Legaspi 5-Cock (RJ Mea/Odi Fausto/Harold Imperia); Red Cometa Majestic (Quintin Mabasa); at RJM DMM Tiaong PS (RJ Mea/Pipo Soliman).

Sasalang din ang may 3.5 puntos na Blue Blade Pasuluhan (Kano Raya); GE Clear Cut Ahluck Camsur (Ricky Magtuto/Gerry Escalona); Genjenny (Eugene Perez); GR Aventador (Gerry Ramos); JPE RJM DMM Tiaong (RJ Mea); JCap (John Capinpin); Paningkamot Baybay City (Atty. Arcal Astorga); Supervel Rossterville (Boy Velez/Gov. Plaza).

Nakatakda naman ang 4-cock finals sa second set na may 2 at 3.5 puntos bukas, habang ang 4-cock grand finals (4, 4.5 & 5 puntos) ay sa Sabado.