Unti-unti nang nagbubunga ang pagsisikap ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at mga sangay nito upang maging matatag ang mga job order mula sa ibang bansa, na nagresulta sa paglago ng remittance ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa $2.4 bilyon noong Nobyembre 2016.

Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), tumaas ng 18.4 porsiyento ang cash remittance ng mga OFW noong Nobyembre 2016. Ang kabuuang remittances sa unang 11 buwan ng 2016 ay umabot sa $ 26.9 bilyon.

Ang pinakamalaking bulto ng cash remittance ay nagmula sa United States, Saudi Arabia, UAE, Singapore, UK, Japan, Qatar, Kuwait, Hong Kong, at Germany.

Ang pinagsamang remittances mula sa mga bansa ay nakaipon ng mahigit 80 porsiyento ng kabuuang cash remittances mula Enero hanggang Nobyembre ng 2016. (Mina Navarro)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador