MAGING ang Kongreso ay sumusuporta sa programa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ipinasa ng House Committee on Youth and Sports Development ang panukalang batas na ang layunin ay maipagkaloob ang pinakamabuting pagsasanay para sa pambansang mga atleta upang manalo sa pandaigdigang paligsahan.

Kaakibat nito ang pagkakaroon ng National Sports Training Center.

Ang panukala o “National Sports Training Act,” ay konsodilasyon ng House Bill No. 535, 545, 1907 at 3447 na inakda nina Rep. Ruwel Peter Gonzaga (2nd District, Compostela Valley), Mark Aeron Sambar (Party-list, PBA), Bellaflor Angara-Castillo (Lone District, Aurora) at Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang komite na pinamumunuan ni Rep. Conrado Estrella III (Party-list, ABONO) ay lumikha ng isang technical working group (TWG) na binubuo ng mga kasapi ng komite na pinamunuan ni Rep. Michael Romero (Party-list,1-PACMAN) upang mapag-isa ang apat na panukala.

“I believe the TWG was able to accommodate its task and the committee members were able to receive copies of their hard work,” ayon kay Estrella.

Layunin nito na lumikha ng isang “National Sports Training Center” sa Clark Green City na nasa loob ng Clark Special Economic Zone (CSEZ) sa Pampanga. (Bert de Guzman)