ALASKA-VS-BLACKWATER copy copy

HINOG na ang talento ni Roi Sumang at lutang na lutang ang angking husay at diskarte sa pagsisimula ng PBA season.

Mula sa matamlay na produksiyon bilang rookie player – napili ng Globalport bilang 27th overall sa 2015 rookie drafting – sa averaged 3.4 puntos, 0.7 rebound at 0.7 assist sa Batang Pier, patuloy ang pagyabong ni Sumang sa kampo ng Blackwater Elite.

Tunay na natagpuan ng dating University of the East standout ang tunay na tahanan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mula sa bench, tumipa si Sumang ng 17 sa kabuuang 19 puntos sa second half para pagbidahan ang malaking panalo kontra liyamadong Alaska, 103-100 nitong Linggo.

Nakopo ng Elite ang ikalimang panalo sa kasalukuyang OPPO-PBA Philippine Cup.

Kumpiyansa ang 26-anyos, sa kabila ng matinding depensa ng Aces, sa pangunguna ni Calvin Abueva, para maitarak ang double digit na bentahe. At sa paghahabol ng Aces sa krusyal na sandali, hindi rin dinaga si Sumang para sa krusyal na free throw.

Bunsod nito, napili si Sumang bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week para sa buong linggo ng Enero 9-15.

Ginapi niya sa parangal sina Mahindra guard Philip Paniamogan, San Miguel Beer slot man June Mar Fajardo, GlobalPort high-scoring guard Terrence Romeo, Barangay Ginebra forward Joe Devance, Star wingman Allen Maliksi at big man Ian Sangalang, gayundin si Abueva.

Masusubok muli ang katatagan ni Sumang sa pagsagupa ng Blackwater sa crowd-favorite Barangay Ginebra sa Biyernes, bago tapusin ang elimination round kontra Star sa Enero 25.