Kumikilos ngayon ng Kamara upang mapigil ang talamak na bentahan ng pekeng beauty products.

Lumikha ang House committee on Metro Manila development ng technical working group (TWG) na bubuo ng kaukulang panukala na magpapataw ng matinding parusa laban sa paglaganap ng pekeng beauty products at pagbibigay ng police powers sa Food and Drug Administration (FDA) upang malutas ang problema.

Ang paglikha ng TWG ay inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Winston Castelo, na nagsabing 80% ng populasyon sa Metro Manila ay bumibili ng mga pekeng pampaganda. - Bert de Guzman

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'