Tumimbuwang ang isang magbiyenan matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot si Arthur Ancheta, 47 at kanyang manugang na si Allan Chico, 25, kapwa residente ng 38 Cebu Street, Barangay 153 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng iba’t ibang kalibre ng baril sa katawan.

Narekober sa mga suspek ang isang 9mm pistol, isang cal. 22 at limang sachet ng umano’y shabu.

Ayon sa report, bandang 11:00 ng gabi, ikinasa ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 1, sa pamumuno ni Sr. Inspector Waldo Bontogon, ang operasyon sa lugar ni Arthur.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa umanong kilabot na drug pusher sa nasabing lugar si Arthur at isa sa mga nagpanggap na iiskor ng shabu ay si PO1 Mary Rose Orasa.

Matapos iabot ni Arthur ang shabu na nagkakahalaga ng P200, tinutukan na siya ng baril ng mga nakapalibot na pulis.

Nakatakbo pa umano si Arthur at pumasok sa kanilang bahay at pinaputukan naman ni Allan ang mga humahabol na pulis sa kanyang biyenan.

Dito na sunud-sunod na nagpaputok ng baril ang mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay ng magbiyenan.

(Orly L. Barcala)