Pinayagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Sen. Jinggoy Estrada na pansamantalang makalabas sa kulungan para maipagamot ang kanyang tuhod.
Nitong nakaraang linggo ay naghain ng mosyon si Estrada sa Sandigan Fifth Division na pahintulutan siyang magpa-X-ray at MRI para sa nananakit niyang tuhod.
Ayon sa abogado ni Estrada na si Atty. Wayne Tugadi, ngayong araw ang pagpapagamot na inaprubahan ng korte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.
Batay sa pagsusuri ni Dr. Jose Syquia, si Estrada ay mayroong patello femoral pain syndrome. (Jun Fabon)