SAN ISIDRO, Nueva Ecija — "Boss, hindi ko na kaya yung nakita kong

ginawa ng asawa ko, papakamatay na lang ako. Maraming salamat sa pag-kupkop mo sa akin, Boss:! "

Ito ang huling kataga na ipinaabot sa kanyang amo ng 26-anyos na chicken vendor na si Jessie Boy Cortez bago siya nagbigti gabi nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ng pulisya na ginamit ni Cortez ang kawad ng kuryente para magpatiwakal sa bahay ni Leonardo Gripal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dakong 1:00 ng gabi nang matagpuan ni Mel Christian Santiago, 16, katrabaho ni Cortez, ang nangingitim niyang katawan.

Ayon sa ilan niyang kasamahan, nagpakamatay si Cortez dala ng labis na depresyon at matinding selos sa kinakasamang babae na si Ednalyn Ecalnir, 19.

Itinaon pa umano ng vendor ang pagbibigti sa pagsalubong sa Bagong Taon. (Light A. Nolasco)