MAYANTOC, Tarlac – Apat na katao ang nasugatan makaraang magkabanggaan ang dalawang tricycle sa provincial road ng Barangay Mamonit sa bayang ito, Biyernes ng hapon.

Isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Bgy. Malacampa, Camiling si Jerry Santos, 18, binata, driver ng Honda tricycle na walang plaka; at pasahero niyang si Aldrin Sison, nasa hustong gulang, ng Bgy. Pedro Quines sa Mayantoc.

Nasugatan din si Jhonnel Tomas, nasa hustong gulang, driver naman ng isa pang Honda tricycle (QN-4109) at ang pasahero niyang si Valerie Dancel, ng Bgy. Cabugbugan, Santa Ignacia, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dexter Rivera, dakong 1:45 ng hapon at bumabagtas pahilaga ang tricycle ni Santos nang makabanggaan niya ang kasalubong na tricycle ni Tomas. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog