macky-at-sunshine-lang_please-crop-copy

ISANG mamahaling gold necklace na may nakaukit na pangalan niya sa pendant ang regalo kay Sunshine Cruz ni Macky Mathay.

Hindi akalain ni Sunshine na ganoon kamahal ang Christmas gift sa kanya ng ilang buwan pa lang naman niyang karelasyon. Pero binanggit ng aktres sa amin na mahilig talagang magregalo si Macky, at maging noong bago pa lamang daw silang magkakilala ay panay na ang regalo nito sa kanya.

September 18 opisyal na naging magkasintahan sina Sunshine at Macky, after more than three years simula nang hiwalayan niya ang dating asawang si Cesar Montano.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ikinuwento rin ni Sunshine ang celebration ng Christmas ng kanilang pamilya sa bahay nila sa Parañaque kasama si Macky. Kaya super bonding daw sina Macky, ang mga anak niya at ang kanyang ina.

Aminado si Sunshine na maligaya siya ngayon hindi lamang dahil sa kanyang tatlong anak na sina Angelina, Sam at Cheska kundi dahil na rin sa pagdating sa buhay niya ni Macky.

Ipinagdarasal niya na sana ay habang buhay na niya itong makasama.

Mangyayari lamang daw iyon kung pahihintulutan ng Diyos na maging malaya na sila pareho sa kani-kaniyang dating asawa.

Magdadalawang taon namang hiwalay si Macky sa ex-wife na si Camille Fariñas. Tatlo rin ang anak nila. (Jimi Escala)