Matinding depresyon ang isa sa mga umano’y posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng isang babae sa Makati City nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Carla Barcelo, 21, ng Linaw Street, Santa Mesa Heights, Quezon City, na namatay dahil sa tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .9mm baril.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., bandang 2:15 ng hapon nangyari ang pagpapatiwakal sa mismong pinagtatrabahuhan ng biktima sa Pili St., Bgy. South Forbes Park, Makati City.

Lumitaw na nagmula sa mayamang pamilya ang biktima at hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye ang pulisya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)