Tiniyak ni Alex Mallari na hindi magpa- Paskong malungkot at bokya ang Mahindra.

Nagtala si Mallari ng career-tying 23 puntos, 11 rebound, apat na assist at apat na steal upang pangunahan ang Floodbuster sa 97-93 overtime na panalo kontra Blackwater Elite noong araw ng Pasko sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Rumatsada ang Fil-American wingman sa final period kung saan nagsalansan siya ng siyam na puntos upang pangunahan ang paghabol ng Mahindra mula sa 15- puntos na pagkakaiwan at maipuwersa ang overtime.

Sinandalan ng Floodbusters ang nasabing momentum upang pormal na makamit ang unang panalo sa anim na laro ngayong season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Dahil sa kanyang performance napili si Mallari bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week kung saan tinalo niya sina Phoenix rookie Matthew Wright, Ginebra forward Japeth Aguilar, Rain or Shine big man Jewel Ponferada at Blackwater rookie Mac Belo.

“The lanes were open so I kept attacking. Coach (Chris Gavina) kept telling me to attack so I attack,” pahayag ni Mallari, patungkol sa impresbong opensa sa breakthrough win ng Mahindra.

Mahaba ang pahinga ng Floodbusters bago magbalik aksiyon sa Enero 11 kontyra Meralco Bolts sa Smart-Araneta Coliseum. (Marivic Awitan)