Nagluluksa ngayon ang pamilya ng isang pedicab driver matapos itong barilin at patayin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Marvin Galauran, 35, ng No. 122 Elisa Street, Lerma Extension, Barangay 23 ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni PO2 Cezar Garcia, dakong 11:10 ng gabi nangyari ang krimen sa Marcela St., Bgy. 23, Caloocan City.

Nakasakay ang biktima sa kanyang pedicab at naghihintay ng pasahero nang sumulpot ang isang lalaki na sakay sa motorsiklo at pinagbabaril ang una saka mabilis na tumakas.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente. (Orly L. Barcala)