GINAPI ng Adamson ang liyamadong Chiang Kai Shek College, 96-85, sa overtime nitong Linggo para makopo ang kampeonato sa 5th Philippine Secondary Schools Basketball Championship (PSSBC) MEC Networks Cup sa SGS Stadium sa Quezon City.

Ratsada si Encho Serrano sa nakubrang 20 puntos, walong rebound at apat na assist, habang kumana si Gerry Austin Abadiano ng 16 puntos para makamit ng Baby Falcons ang kauna-unahang PSSBC title.

Ang panalop ng Adamson ay nagbigay din sa kanila ng titulo bilang kauna-unahang koponan mula sa UAAP na nagkampeon sa torneo na nagtatampok sa mga eskwelahan mula sa UAAP, NCAA, at Filipino-Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF).

Nanguna sa Blue Dragons si John Galinato na tumipa ng 32 puntos, ngunit kapos ang suporta nang kanyang kasangga para mabigong madepensahan ang titulo sa torneo na itinataguyod ng Ché Lu Bar & Grill, Dickies Underwear, Blackwater, Poly Gloss Automotive Polyurethane System, Ironcon Builders, Hapee Toothpaste at Freego.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Kumubra ng 28 puntos si Romuel para sandigan ang Mapua Red Robins kontra La Salle Greenhills Greenies, 80-68, para sa ikatlong puesto.

Nag-ambag si Clint Escamis ng 16 puntos at siyam na assist.