INSPIRED ngang talaga si Sharon Cuneta sa kanyang muling pagiging aktibo sa showbiz, kitang-kita sa maganda nang katawan niya ngayon na still trimming down maski marami na ang nagsasabing pumayat na talaga at sexy na siya.

Natuwa ang fans ng megastar sa ipinost niyang photo na kuha sa pictorial para sa promo ng Your Face Sounds Familiar Kids Edition.

Ang caption ni Sharon sa litrato niyang naka-off shoulder, “Earlier today in ABS-CBN for pictorials and VTRs with Gary V. and Ogie A. For Your Face Sounds Familiar Kids. Mag-uumpisa na po sa Jan 7 and 8, 2017. (This is an unretouched, unedited Photo, ok?)”

Kuwento ng mga taga-production, excited si Sharon sa muling pagbabalik ng Your Face Sounds Familiar.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Mahilig talaga sa bata ang megastar, kaya nga aliw na aliw siya sa The Voice Kids at enjoy na enjoy naman ang mga manonood sa banter nila nina Bamboo at Lea Salonga.

Sa Your Face Sounds Familiar Kids mukhang sila ni Ogie Alcasid ang madalas na magbabatuhan ng kung anu-ano dahil sila ‘yung hindi masyadong seryoso sa mga hurado kumpara kay Gary Valenciano.

Of course, mas inspired si Sharon sa pagbabalik pelikula niya sa Star Cinema na ang dating asawang si Gabby Concepcion ang kanyang magiging leading man.

Buhay na buhay pa ang Sharon-Gabby fans na tuwang-tuwa ring matutupad na ang kanilang matagal nang kahilingan na muling magtambal sa pelikula ang paborito nilang love team. (REGGEE BONOAN)