Tinigok ng riding-in-tandem ang isang tricycle driver matapos nila itong pagbabarilin habang nagpapahangin sa gilid ng bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Dr. Jose Rodriguez Hospital si Nestor Oraya, 24, ng Phase 2, Package 2, Block 63, Lot 10, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.
Ayon sa testigong si Agapito Tuba, kapitbahay ng biktima, nakita niya ang biktima na nakaupo at naninigarilyo, dakong 10:00 ng gabi.
“Nakarinig na lang po kami ng sunud-sunod na putok tapos ‘pag silip namin, nakahandusay na si Nestor at duguan,” ani Tuba.
Nakita umano ni Tuba ang dalawang lalaki na lulan sa motorsiklo at nagmamadaling umalis sa lugar.
Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaril. (Orly L. Barcala)