ai-ai-copy

HINDI lang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang nagbabalik sa paggawa ng pelikula sa Star Cinema, pati na rin si Ai-Ai delas Alas.

Nakipag-meeting si Ai Ai kina Ms. Malou Santos at Direk Olive Lamasan nitong nakaraang weekend para sa gagawin niyang pelikula.

Post ni Ai-Ai: “Meeting with the bosses of Star Cinema with my manager Mr. Boy Abunda... Thank you po, Tita Malout, Inang Olive, Roxy, Dano Kris ... Merry Christmas... It’s really the season of love... I love you po... I am very happy and excited sa 2017... New Year, new movie. Wohoooooo... #starcinemamovie2017 #bakikpelikula #missthemverymuch #sasobrangsayadkonaramdamananggutom. God is good all the time. All the time God is good.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi pa sinabi kung anong pelikula ang gagawin ni Ai Ai, kung sino ang makakasama at kung sino ang director.

Hintayin na lang natin natin ang announcement ng Star Cinema. (Nitz Miralles)