LIAN, Batangas - Pinaghihinalaang gumagamit ng ilegal na droga ang isang lalaking natagpuang bangkay sa national road na sakop ng Pallocan East sa Batangas City.

Inilarawan ang biktimang nasa 5’5” hanggang 5’8” ang taas, 25-35 taong gulang, nakasuot ng pulang shorts at dilaw na T-shirt.

Ayon sa report ni SPO1 Doni Irvin Casuyuran, dakong 6:00 ng umaga nitong Miyerkules nang matagpuan ng isang tricycle driver ang bangkay na nababalutan ng masking tape ang mukha at nakagapos ng kawad ang mga kamay at paa.

May mga tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima at may puting papel sa tabi nito na nasusulatan ng: “’Wag akong tularan, adik ako”. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito