TATLONG Pilipino fighter ang sabay-sabay natalo sa iba’t ibang panig ng daigdig kamakalawa ng gabi sa pangunguna ni Engelbert Moralde na ginulpi sa loob ng walong round si Mexican Mexican Kenbun Torres pero natalo sa puntos sa Osaka, Japan.

“I thought I did enough to win the fight. But I understand in this sport enough is not enough to get the decision if you are not the hometown fighter,” sabi ni Moralde sa Philboxing.com kaugnay sa kalabang si Torres na nakabase sa Japan.

Nalasap naman ni dating WBO Oriental featherweight champion John Neil Tabanao ang ikalawang sunod na pagkatalo sa abroad nang matalo rin sa puntos sa tatlong huradong Russian laban kay WBC Youth world featherweight champion Evgeny Smirnov sa Moscow City, Russia.

Sa kanyang huling laban, natalo rin si Tabanao sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision kontra world rated Isaac Dogboe sa Accra, Ghana para sa WBO Pan Africa, WBO Oriental at WBC Silver Youth title sa featherweight division.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Hangqshou, China, natalo rin sa 10-round unanimous decision si Joy Joy Formentera kay WBO Oriental flyweight champion Jiang Xiang. (Gilbert Espeña)