MUKHANG mas magiging mas busy na sa susunod na taon si Sharon Cuneta, as per her post sa Facebook. Una muna niyang ipinakita ang iba-ibang rooms ng bago nilang condominium sa Ayala, dahil ‘back in the condo’ na raw sila. 

Nag-post din siya tungkol sa muli niyang paggawa ng pelikula sa Star Cinema sa 2017.

Nagsimula na rin siyang mag-recording ng bagong album para sa Star Records.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Last week, kahit medyo masama ang pakiramdam at paos ang boses, nakatapos si Sharon ng first cut ng kanyang album.

Masaya rin si Sharon na kasama nila ngayon si KC, na sabi niya, ang kanyang big baby, na wish niya ay mag-stay na baby niya kahit daw abutin ito ng 70 years old.

Saan kaya along Ayala ang condo unit ng mga Cuneta-Pangilinan, kasama ang mga anak na sina KC, Kakie, Miel at si Miguel, dahil ang description niya, natatanaw niya from their balcony ang kabuuan ng Bonifacio Global City, EDSA, North Forbes, EDSA, Urdaneta Village.