10frankie-copyNakatakdang magbalik sa collegiate basketball si dating PBA star Frankie Lim.

Subalit, ang inaasahang pagbabalik ay mangyayari hindi sa dating kinabibilangan niyang liga na National Collegiate Athletic Association (NCAA) kundi sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Maugong ang balitang pirmahan na lamang ang kulang para maitalagang bagong coach si Lim ng National University kapalit ng nagbitiw na si Eric Altamirano.

Ngunit hindi naman ito kinumpirma ni NU Athletic director Chito Loyzaga na nagsabing nasa proseso pa lamang sila ng pagpili ng papalit kay Altamirano.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“We have just started the process of receiving CVs of interested applicants,” pahayag ni Loyzaga. “Evaluation and interview will follow in the next weeks, then the announcement of who will be the head coach will be mid-January.”

Dating coach si Lim ng San Beda kung saan siya ang awtor sa unang dalawang kampeonato sa five-peat reign ng Red Lions.

Subalit matapos ang nasabing back-to-back championships noong 2010 at 2011, pinalitan si Lim noong 2012 pagkaraang patawan ng dalawang taong ban ng liga pagkaraang masangkot sa kaguluhan kasama ni San Sebastian College volleyball coach Roger Gorayeb. - Marivic Awitan