TRINGGADING, Indonesia (AP) – Bumiyahe ang pangulo ng Indonesia sa mga lugar na sinalanta ng magnitude 6.5 na lindol at nangakong ibabangon ang mga nasirang komunidad.

Sa kanyang pagdalaw nitong Biyernes sa nawasak na moske sa Tringgading malapit se sentro ng pagyanig, namigay si Joko “Jokowi” Widodo ng pera sa mga namatayan. Sinabi niya sa mga residente, “We will rebuild the mosque as soon as possible. We start tomorrow but we have to do it together.’’

Mahigit 100 katao ang namatay sa lindol na tumama sa hilagang silangang probinsiya ng Aceh sa Sumatra noong Miyerkules. Daan-daang katao ang nasugatan at mahighit 10,000 gusali ang nasira.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national