SANTA IGNACIA, Tarlac - Halos kumalat ang sariwang dugo sa highway ng Purok 1, Barangay Pugo-Cecilio sa bayang ito, makaraang masalpok ng truck ang isang tricycle driver, nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Reynante Lacuesta ang nasawi na si Jerry Aquino, 35, may asawa, driver ng Honda TMX- 155 motorized tricycle, at taga-Bgy. Caanamongan, Santa Ignacia, habang pinaghahanap na ang tumakas na suspek.

Ayon sa pulisya, dakong 3:35 ng umaga nang mangyari ang aksidente, payapang bumabagtas ang tricycle sa highway ng Bgy. Pugo-Cecilio nang bigla itong banggain ng kasalubong na truck.

Batay sa report, dahil sa lakas ng impact ay grabeng sugat ang natamo ng biktima sa iba’t ibang parte ng katawanat hindi na umabot nang buhay sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Bgy. Malacampa, Camiling. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog