MAGTATANGHAL ang mga American rapper na sina Wiz Khalifa at Timbaland kasama ang mga K-pop artist sa Mnet Asian Music Awards (MAMA) sa Disyembre 2 sa AsianWorld-Expo sa Hong Kong.

Dadaluhan ang yearly awards show ng K-pop artists na maglalaban-laban sa iba’t ibang kategorya kabilang ang Best Male at Female Groups, Best Male at Female Artists, Best Vocal Performance, Best Dance Performance, Best Rap Performance at Best Band Performance.

Magkasamang magtatanghal si Timbaland at ang K-pop solo artist na si Eric Nam pati na rin si Suzy ng Miss A at Baekhyun ng EXO.

Magtatanghal din si Wiz Khalifa kasama ang isang K-pop artist, ayon sa mga organizer.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Mapapanood din ang mga singer na sina Zico, Dean, at Crush

Magsasalita naman ang music producer na si Quincy Jones sa MAMA Creators’ Forum kasama ang iba pa tulad nina Timbaland, Big Hit Entertainment producer at president na si Hyuk Bang, Jimmy Jeong ng JYP Entertainment CEO, at Andy Ng ng QQ Music general manager.

Ang mga magpre-present ng awards ay ang mga Korean star na sina Lee Byung Hun, Ha Ji Won, Cha Seung Won, Han Hyo Joo, Jang Hyuk, Han Ji Min, Park Ki Woong at Park Min Young. (MB Entertainment)