HINDI na muna namin papangalanan ang nakakaawang TV host/singer na idinadaan na lang sa ngiti ang problema nilang mag-asawa.
Hangga’t maaari ay mas gusto pala ng kilalang TV host/singer na nasa labas siya dahil kapag umuuwi na sila ng bahay ay wala nang ginawa ang asawa kundi awayin siya at pagsalitaan ng kung anu-ano.
“Kawawa si _____ (TV host/singer) kasi kapag mainit ang ulo ni _____ (asawa), kung anu-anong sinasabi sa kanya,” kuwento sa amin ng taong malapit sa mag-asawa.
“There was a time na umuwi muna sa bahay ng parents niya si _____ (TV host/singer) kasi hindi na niya kaya ang mga sinasabi sa kanya ng asawa niya, pero pinauwi siya ng magulang at ayusin daw ang problema nila,” kuwento pa sa amin.
Awa ang nararamdaman ngayon ng mga kaibigan ng TV host/singer dahil nga sa dinaranas nitong problema.
Hala, super-bait pa naman ng TV host/singer na ito. Ang asawa niya sa pagkakakilala namin ay mabait din, anyare?
(Reggee Bonoan)