Nag-uwi ng anim na medalya ang UP Pep Squad at UP Filipiniana Dance Group sa impresibong kampanya sa ikalawang Asian Cheerleading and Danceport Championship (ACDC) nitong weekend sa Jakarta, Indonesia.

Tampok sa pamamayagpag ng UP Cheer Dancers ang gintong medalya sa Mixed Group Stunts.

Ayon kay Eloi Hernandez, propesor ng Art Studies at team leader ng UP pep squad, nanalo rin ng pilak ang Maroons sa All-Female Team Cheer, Cheerdance Duo at Cheerdance Group categories.

Nasungkit naman ng UP ang tansong medalya sa All-Female Group at Mixed Team Cheer categories.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Hindi na sumabak ang UP pep squad sa taunang cheer dance competition sa UAAP upang makapaghanda ng husto sa ACDC.

Sasabak ang UP ika-9 na Cheerleading World Championship sa Takasaki City, Japan. Cristynne Tamayo