Tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon ang mga ari-ariang natupok sa isang ancestral mansion sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Base sa report ni Quezon City Fire Marshall Senior Supt. Manuel Manuel, ganap na 9:30 ng umaga kahapon nang masunog ang ancestral mansion sa may residential area sa Roosevelt Avenue, Barangay Paraiso.

Nabatid sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Prevention (BFP) na problema sa wiring ng kuryente ang dahilan sa pagliliyab ng kisame sa ikalawang palapag ng antigong bahay, na dating pag-aari ng pamilya Juico.

Maagap na nakaresponde ang 34 na fire truck at tuluyang naapula ang sunog, na umabot sa ikatlong alarma, dakong 10:00 ng umaga.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Wala namang nasawi o nasugatan sa insidente.

Kabilang sa mga natupok sa bahay ang mga antigong gamit at ang mamahaling mga obra ni Fernando Amorsolo. (Jun Fabon)