Magpapatupad ng big-time oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.
Epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Nobyembre 29 ay magtataas ang Flying V at Phoenix Petroleum ng P1.50 sa kada litro ng gasolina, P1.40 sa diesel at P1.20 naman sa kerosene.
Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas Shell, na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo bandang 6:00 ng umaga ngayong araw.
Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa oil price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nobyembre 22 huling nagdagdag ng 10 sentimos sa kada litro ng gasoline. (Bella Gamotea)