Sisibakin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang 174 na pulis na nagpositibo sa drug test.

“Huwag na kayong mag-attempt na magpare-instate dahil haharangin ko ‘yung re-instatement,” sinabi kahapon ni Dela Rosa.

“Sige kayo, balik-balik dito sa serbisyo. Sakit ng ulo lang ibinibigay ninyo sa amin,” dagdag pa ni Dela Rosa. “Hindi na kayo mapapareinstate habang buhay ako, hahanapan ko ng paraan na harangin ko kayo. Sabihin n’yo personal na ‘to, pepersonalin ko kayo.”

Matatandaang sumailalim sa mandatory drug test ang lahat ng 170,000 tauhan ng PNP at 174 sa mga ito ang nagpositibo sa paggamit ng droga.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

Samantala, sinabi ni Dela Rosa na gagawa ng panibagong case build-up sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa droga, na karamihan ay opisyal ng barangay. (FER TABOY)