Laro sa Miyerkules (Smart Araneta Coliseum)

12 n.t. -- DLSU vs UE (Women Semis)

Napigil ng University of the East ang malaking rally ng Adamson University upang maiposte ang 48-45 na panalo at makausad sa susunod na baitang ng stepladder semifinals ng UAAP Season 79 women’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naiiwan ng 14- puntos, 19-33 sa third canto, humabol ang Lady Falcons at tinapyas ang bentahe ng Lady Warriors sa apat na puntos, 41-45 sa pamumuno ni Jamie Alcoy.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Mabilis na tumawag ng timeout si coach Aileen Libornio at pinagsabihan ang kanyang mga players na huwag bumitaw sa nalalabing tatlong minuto ng laban.

“We are blessed. Hindi sila bumibitaw,” pahayag ni Libornio.

“After four years, nakita ko na may pagkabeterano ang team. Yung mga players, nagtrabaho talaga.”

Pinangunahan ni Eunique Chan ang panalo sa nakubrang 11 puntos at 11 rebound, habang nag- ambag si Ruthlaine Tacula ng 11 puntos.

Dahil sa panalo, nakamit ng Lady Warriors ang karapatang makaduwelo ang second seed at twice-to- beat De La Salle para sa pagkakataong makasagupa ang defending champion at outright finalist National University.

Namuno naman sina Jonalyn Lacson at Jamie Alcoy para sa Lady Falcons sa itinala nilang tig-10 puntos.

Iskor:

UE (48) – Tacula 11, Chan 11, Mendina 8, Gayacao 6, Sto. Domingo 6, Francisco 3, Requiron 3, Ramos 0, Antonio 0.

AdU (45) – Lacson 10, Alcoy 10, Prado 8, Cabug 6, Camacho 4, Razalo 4, Dampios 2, Pingol 1, Araja 0, Osano 0, Rosario 0, Aciro 0, Loretero 0.

Quarterscores: 11-4, 25-13, 35-31, 48-45