Nilagyan ng closed circuit television (CCTV) camera ang mga pangunahing kalsada sa Barangay Gen. T. De Leon na pinakamalaking barangay sa 33 barangay sa Valenzuela City, upang ma-monitor ang mga nagaganap na krimen sa magdamag.
Ang proyektong ito ay isinagawa ng Barangay Council ng Gen. T. De Leon sa pamumuno ni Punong Barangay Bong Ferrer matapos nila itong pondohan.
Inilagay ang mga CCTV sa tulay ng Gen. T. De Leon hanggang sa Arbor Town, kung saan ito ang mga daanan ng iba’t ibang sasakyan.
Bukas ang mga CCTV 24/7 na tinatauhan ng barangay personnel.
Ayon kay PB Ferrer, ang paglalagay nito ay crime prevention at kung hindi man mahuli ang gumagawa ng krimen, makikilala naman ito at masasampahan ng kaso. (Orly L. Barcala)