Sa kabila ng papalabas na bagyong ‘Marce’, inalerto pa rin kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng lalawigan ng Isabela, Aurora at Quezon dahil na rin sa posibleng flashflood at landslide na dulot nito.

Inihayag ng PAGASA, bagamat lumalakas pa ay patuloy pa ring tinatahak ng bagyo ang West Philippine Sea (WPS) palabas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, magdadala pa rin ng malakas na pag-ulan ang ‘Marce’ sa mga lugar na saklaw ng 400 kilometrong diameter.

Inaasahan ng PAGASA na lalabas na ang ‘Marce’ sa bansa bukas ng umaga kung saan tinatayang ito ay nasa layong 680 kilometro ng hilagang kanluran ng Iba, Zambales.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Huling namataan ang bagyo sa layong 125 kilometro northwest ng Coron, Palawan.`

Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras at bugsong 100 kilometro bawat oras.

Inaasahang kikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 285 pamilya o 1,100 katao mula sa 13 barangay sa CARAGA region ang naapektuhan ng bagyo.

Ang mga ito ay nasa evacuation centers na, ayon kay Undersecretary Ricardo B. Jalad, NDRRMC Executive Director at Office of Civil Defense (OCD) Administrator. (Rommel P. Tabbad)