DAVAO CITY – Patay ang siyam na taong gulang na lalaki na anak ng isang opisyal ng Department of Tourism (DoT) at 19-anyos na kasambahay ng kanyang pamilya makaraang mapuruhan ng kidlat at masunog ang isang bahagi ng kanilang bahay sa Barangay 33-D sa lungsod na ito.

Nasunog ang bahay ni DoT Assistant Secretary Eden Josephine David bandang 12:30 ng umaga kahapon, na ikinasawi ng anak niyang si John Brent Larano David at ng kasambahay nilang si Kimberly A. Luayon.

Nagtamo rin ng mga sunog sa braso ang opisyal habang naospital naman sa third degree burns ang isa pa nilang kasambahay na lalaki, ayon sa Davao City Police Office.

Nasa P350,000 ang halaga ng pinsala sa bahay, habang nagtamo ng bahagyang paso ang kaanak ng opisyal na si Imelda Motoc at ang isa pa nilang kasambahay na si Rowena Arisgado. (Yas D. Ocampo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito