Magkakaroon ng “mass promotion” sa Bureau of Customs (BoC).

Pinaplano ni Customs Chief Nicanor Faeldon na i-promote ang daan-daang empleyado ng kawanihan sa Disyembre 2016 sa hangaring maitaas ang kanilang morale at maiwaksi ang corruption, ayon sa tagapagsalita ng BoC na si Neil Estrella.

“The rank and file employees covered by this mass promotion are those that haven’t been promoted for the past five years and those who have no pending cases,” sinabi kahapon ni Estrella sa press briefing sa Palasyo.

Ang isasagawang mass promotion ay ngayon lang uli gagawin sa customs bureau pagkaraan ng 12 taon, dagdag ni Estrella.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Commissioner Faeldon said this will help boost the morale of the Bureau’s personnel, promote their professionalism and encourage employees to avoid corrupt practices,” dagdag niya. (Genalyn D. Kabiling)