TARLAC CITY – Madadaanan na ngayon ang Viola Highway sa Barangay Coral na Bato sa San Rafael, Bulacan, matapos makumpleto ang concrete blocking nito.

Ayon kay Lalaine Cawili, ng lokal na Department of Public Works and Highways (DPWH), ang P46.9-milyon Viola Highway ay segment ng 3rd Bulacan Circumferential Road na nagsisilbing farm-to-market road sa munisipalidad.

Sinabi ni Cawili na isa ang Viola Highway sa mga magiging alternatibong daan kapag isinara na sa motorista ang Sta. Lucia Bridge na isasailalim sa rehabilitasyon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog