Pormal na itinalaga bilang bagong head coach ng College of St.Benilde men’s basketball team si dating De La Salle guard at Rain or Shine mainstay Tyrone Tang.

Si Tang ang ipinalit sa dating coach na si Gabby Velasco na nagbitiw nitong nakaraang Oktubre bago tuluyang mapaso ang kanyang kontrata pagkaraang mabigong mapaangat ang performance ng Blazers sa nakalipas na apat na taon.

Umaasa ang pamunuan ng CSB na sa ilalim ng 32-anyos na mentor ay magbabago ang kapalaran ng koponan na nakapagtala lamang ng isang panalo kontra 17 sunod na talo noong nakaraang Season 92 basketball tournament

Makakatulong ni Tang bilang kanyang chief deputy sina Charles Tiu at dating Talk N Text slotman Ali Peek gayundin sina Xavier School mentor Carlo Tan at Nico D’ Haenen.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Bilang panimula, sinabi ni Tang na magsasagawa siya ng tryout para mapalakas ang lineup ng Blazers. (Marivic Awitan)