BALAYAN, Batangas - Sugatan ang isang dating barangay chairman at kanyang kasamahan sa pagdalo sana nila sa hearing ng kanilang kaso na may kinalaman sa ilegal na droga, matapos silang pagbabarilin sa Balayan, Batangas, kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Rodante Ednaco, dating chairman ng Barangay Luntal, Balayan; at Melvin Guinto, kabarangay ni Ednaco.
Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima sa Bgy. Ermita.
Nakatakas ang dalawang suspek sakay sa motorsiklo patungo sa direksiyon ng Lian/Calatagan.
Papunta umano sa pagdinig ng kanilang kaso sa Regional Trial Court (RTC) sa Balayan ang mga biktima nang pagbabarilin. (Lyka Manalo)