Naungusan ng San Beda ang University of the Philippines, 63-61, para angkinin ang 14th Fr. Martin Cup Division 2 basketball championship kamakailan sa Far Eastern University gym.

Nagsalansan si Eugene Toba ng 12 puntos, tampok ang three-pointer may 14.4 segundo ang nalalabi para akayin ang Red Lions sa tagumpay.

Nag-ambag sina Jeremer Cabanag at Van Abatayo ng tig-13 puntos sa San Beda na naghabol sa 57-47 papasok sa final period.

Nabigo ang Maroons na maipuwersa ang overtime nang mahuli sa buzzer ang huling tira ni Ibrahim Outtara na tumapos na may 14 puntos para sa UP.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ginapi ng Red Lions ang Far Eastern University, 90-67, sa semifinal round, habang nagwagi ang Maroons kontra San Beda-B, 77-62, sa hiwalay na Final Four duel.

Sa juniors division, nakopo ng Chiang Kai Shek College ang koronan nang pabagsakin ang National University, 74-47.

Nanguna si Shamasheh Banez sa Blue Dragons sa naiskor na 12 puntos.