MANAOAG, Pangasinan - Patay na nang matagpuan kahapon ng isang lalaki ang kanyang misis na pinaniniwalaang nagbigti sa Barangay Babasit sa bayang ito.
Naniniwala si Hector Punay na maaaring inatake ng sakit at wala sa katinuan si Christina Punay, 24, nang gawin nito ang pagpapakamatay.
Nabatid na sumasailalim pa sa gamutan si Christina dahil sa sakit nito sa pag-iisip. (Liezle Basa Iñigo)